SUÓNG

Sa ngayon ako po ay masaya sa piling ng aking pamilya sampu ng aking mga apo. Ginugugol ko ang aking sarili sa lahat ng bagay na makabuluhan, pilit kong ibinabaon sa limot ang mga nangyari noon at ipinagpasa-Diyos na lang. 

Kailangan nating makalimot sa mga di magagandang pangyayari at muling bumangon sa hinaharap upang mapagtagumpayan ang magandang kinabukasan at nang di na maulit ang bangungot na pinagdadaanan sa buhay. 

Hindi natin kailangang makalimutan ang nangyari sa mahal natin sa buhay. Kailangan nating maging matatag at malakas para sa hinaharap, para makamtan ang hustisyang hinahangad. – SUSAN

Suóng: mga sulatin ng paglaban sa gera kontra droga

Ang tsapbuk na ito ay bunga ng pakikipagtulungan ng Gantala Press sa Commission on Human Rights at sa iba pang grupong naglalayong panatilihing bukas at napapanahon ang talakayan ukol sa mga biktima at pamilya nilang victim-survivor ng gera kontra-droga na sinimulan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa UP Diksyonaryong Filipino, ang “suóng” ay matapang na pagharap sa anumang balakid, suliranin, o laban. Lubhang napakahirap na idokumento ang pinagdaanan ng mga pamilyang victim-survivor ng tokhang dahil marami sa kanila ang takot na pati sila ay patahimikin din, bukod sa makailang-beses na rin nilang binalik-balikan ang nangyari sa kanilang pamilya kaugnay ng gera kontra-droga sa konteksto ng maraming interbensyon, konsultasyon, o saliksik kasama ang iba’t ibang grupo. Kung kaya’t pinapauna namin ang aming pasasalamat sa kababaihang sumuóng sa gawaing pagsasaaklat ng kanilang mga sanaysay, tala sa personal na dyornal, maikling liham sa sarili o sa minamahal, at pagtatangkang lumikha ng tula, at sa kanilang koordineytor na siyang nagpahatid ng aming paanyaya sa kanila.

May mga mensahe mula kina dating Sen. Leila M. de Lima at CHR Commissioner Faydah M. Dumarpa

Publication Year: 2024
Language: Filipino
Format: Print
Pages: 92
Size: 5.5” x 8.5”
Selling Price: Php 250. 100% of the proceeds will be turned over to the contributors/victim-survivors of the “drug war”

Buy here


Comments

Leave a Reply