Women’s Global Strike: Womanifesto

Womanifesto

Women’s Global Strike in the Philippines

March 8, 2020

We are the women who everyday suffer from hunger, oppression, and violence in the hands of neoliberal plunder and feudal-patriarchal control.

We are the peasants who agonise from land and resource grabbing, usury, and feudal exploitation. We bear half or more of the agricultural and fishing work but our contributions are deemed as merely supplementary to those of our husbands’. We are forced to offer our bodies in exchange for a kilo of rice or fish.

We are the workers whose wages are never enough to put food on the table nor send our children to school, or to provide access to basic services. We labor under the harshest conditions, without any protection from chemicals and machines that harm our bodies, and from sexual predators that take advantage of our desperation. We produce the wealth but we are not allowed to rest, we are imprisoned if we want freedom, we are silenced if we unite and speak out.

We are the indigenous, protectors of our land, mountains, and waters against the exploitation by large corporations. Soldiers occupy our huts, schools, and villages, intimidating and assaulting us, gunning us down, raping us. We are discriminated against in the lowlands; our folkways are dismissed as backward but mainstream health and reproductive information and services remain out of our reach.

We are the migrants who are forced to leave our loved ones. Our jobs abroad are an extension of our care and domestic work at home. Employers who promise us a brighter future imprison, rape, or kill us instead. We are milking cows of a negligent and corrupt government.

We are the urban poor displaced by commercial developments from the communities we have built. We work hard all day, yet our earnings are not enough to fill our empty stomachs. We sleep with one eye open, afraid that our homes, hopes, and dreams will be crushed. Now, we are the widows and orphans of the drug war.

We are the girls and young women whose education remains commercial, neocolonial, and heteronormative. We provide the future of cheap and docile labor, we are not part of development. Some of us are compelled to sell our bodies to afford the rising cost of education. We are told to study hard but are labeled “terrorists” when we learn.

We are the wives and partners who are told to always serve and obey, to keep our suffering a secret. We have to keep the family together, but we are not allowed to decide. We are the women, repeatedly raped by a fascist president, while people around laugh and clap. When we fight, we are blamed, we are shot in the vagina.

We are the daughters whose future is shared with millions of people who suffer from imperialist greed, fascism and misogyny. In the face of tyrannical suppression of our democratic rights, we gather and fight back.

We are the women who reach out to other women, we build bonds and unities with our communities, we learn to fight to survive and survive to fight, at home, at work, in churches, in schools, in the rice fields and vast mountains, in the streets.

We vow to stand against injustice, to speak out against falsehoods and abuse, to strengthen the collective efforts of all women for liberation.

We are the women who resist.

We are the women who strike!

——————————————————————————

Manifesto ng Kababaihan

Pandaigdigang Welga ng Kababaihan sa Pilipinas 

Marso 8, 2020 

Kami ang kababaihang araw-araw na dumadanas ng gutom, paniniil, at karahasan sa kamay ng neoliberal na pandarambong at kapangyarihang pyudal-patriyarkal. 

Kami ang mga pesanteng inaagawan ng lupa at likas na yaman, hinuhuthutan ng sistemang usura, at pyudal na pagsasamantala. Pinapasan namin ang kalahati ng mga gawaing agraryo ngunit ang aming paggawa ay itinuturing lamang na karagdagang ambag sa aming asawa. Natutulak kaming magbenta ng katawan kapalit ng isang kilong bigas o isda. 

Kami ang mga manggagagawang nagtitiis sa kakarampot na sweldong ni hindi makabili ng sapat at masustansyang pagkain,  hindi makapagpaaral ng anak, o makabili ng mga batayang pangangailangan at serbisyo. Nagtatrabaho kami sa ‘di makatarungang kalagayan–walang proteksyon sa mga kemikal at makinaryang sumisira sa aming katawan at kalusugan, at sa mga nagsasamantala sa aming desperadong sitwasyon. Kami ang nagpapagal para lumikha ng yaman ngunit bawal magpahinga, ikinukulong kami kapag nais namin ng kalayaan, dinadahas kami kung kami ay nagkakaisa at umaalma. 

Kami ang mga katutubo, tagapangalaga ng ating lupa, kabundukan, at katubigan laban sa pagsasamantala ng malalaking korporasyon. Inookupa ng mga sundalo ang aming mga kubo, paaralan, at komunidad upang kami’y takutin, dahasin, barilin, at gahasain. Kinukutya kami sa kapatagan; atrasado daw ang aming kagawian ngunit hindi naman umaabot sa amin ang serbisyong pangkalusugan at reproduktibong impormasyon. 

Kami ang mga migranteng napipilitang iwan ang aming mga mahal sa buhay. Ang aming trabaho sa ibang bansa ay karugtong ng gawaing bahay at pangangalaga sa sariling tahanan. Sa halip na ginhawa at kasaganaan, pandarahas at pagpatay ang idinudulot sa amin ng malupit naming mga amo. Kami’y mga gatasang baka ng pabaya at korap na gubyerno. 

Kami ang maralita ng kalunsuran na pinapalayas sa mga komunidad na aming binuo. Nagtatrabaho kami buong maghapon ngunit hindi sapat ang kinikita upang pakainin ang sarili at ang aming pamilya. Lagi kaming balisa sa takot na anumang oras ay wawasakin ang aming tahanan, pangarap, at pag-asa. Kami ngayon ay mga balo at ulila ng gyera kontra droga ng remineng Duterte. 

Kami ang kabataan sa loob at labas ng paaralan. Pilit sa aming ipinapalunok ang edukasyong komersiyalisado, kolonyal, at heteronormatibo. Kami ang balon ng murang lakas paggawa, wala kami sa prayoridad ng pag-unlad. Napipilitan ang iba sa amin na magbenta ng katawan para lamang makapagbayad ng matrikula. Dapat daw kaming mag-aral nang mabuti ngunit binabansagang terorista kapag kami ay lubusang natuto. 

Kami ang mga asawa na laging pinapangaralang sumunod at magsilbi, na ilihim ang aming mga pagdurusa. Kami ang ilaw ng tahanan ngunit pinagkakaitan ng sariling pagpapasya. Kami ang kababaihang paulit-ulit na ginagahasa ng Pangulo habang ang kanyang mga kasapakat ay pinupuri siya at pinapalakpakan. Kung kami’y nagpapasyang lumaban, sinisisi kami at binabaril sa puki. 

Kami ang mga anak ng sambayanang Pilipinong iginugupo ng imperyalistang pagkagahaman, pasismo, at  matinding pagkamuhi sa kababaihan. Sa harap ng tiranikal na pagtapak sa aming mga karapatan, kami ay nagpapasyang magkaisa at lumaban. 

Kasama ang lahat ng kababaihan sa iba’t ibang sulok ng mundo, kaisa ang aming komunidad, kakapitbisig ang sambayanan, kami’y lumalaban upang mabuhay at nabubuhay upang lumaban sa loob ng tahanan, sa pagawaan at opisina, sa simbahan, sa paaralan, sa mga bukirin, sa kabundukan, sa lansangan. 

Kami ay tumitindig para sa katarungan, umaalma sa kasinungalingan at pang-aabuso, at nagkakaisa para sa kalayaan. 

Kami ang kababaihang lumalaban! 

Kami ang kababaihang nagwewelga! 

Leave a Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.