Ako ay 53 years old, isang katutubong magsasaka. Lalong humirap ang kalagayan ng aming komunidad nang magkaroon ng lockdown dahil kasalukuyan kaming nakakaranas ng militarisasyon sa aming komunidad. Simula pa noong Pebrero 22, nagkampo na sa aming sitio ang mga sundalo mula 17th IB. Kahit noong ipatupad ang ECQ, hindi na sila umalis sa aming lugar. Kung dati ay hirap na kami sa paglabas upang magbenta sa sentrong bayan dahil bantay-sarado ang kilos namin, ngayon naman ay hindi na pinapayagan ang mga taong lumabas upang magbenta. Sa loob lamang ng aming barangay maaaring magbenta. Hindi na rin ako nakauwi sa aming komunidad dahil naabutan ako ng lockdown nang lumabas upang maghanap ng dagdag pangkabuhayan lalo at umalis ang asawa ko at nanirahan muna sa ibang mga kamag-anak dahil pinag-iinitan siya ng mga sundalo. Sa ngayon ay nananatiling may takot sa mga nasa komunidad dahil sa presensiya ng mga sundalo at naidagdag pa itong COVID-19. Sa kasalukuyang lockdown at banta ng COVID-19, malaking gaan sa aming kalooban at isip kung umalis na sa aming komunidad ang mga sundalo.
– Lina Ladino
Kumusta Kayo? Naratibo ng Kababaihang Magbubukid Ngayong Pandemya
Amihan National Federation of Peasant Women & Rural Women Advocates
This zine collects narratives on the COVID-19 pandemic of peasant women from six regions in the Philippines, covering topics such as the loss of livelihood and mobility due to the lockdown, the insufficiency of the Social Amelioration Program, and continued militarization in the countryside. The zine also includes essays on the struggle of peasant women before, during, and after the pandemic, and the importance of food and nutrition in resistance.
Read reviews of the zine by: Eric Abalajon, Roda Tajon, and Diosa Labiste.

Publication Date: 2020
Language: Filipino
Format: Digital/PDF
Pages: 74
Size: 5.5” x 8.5”
Selling Price: PHP 200 (Donations will support projects of Amihan National Federation of Peasant Women)
Download on Payhip: https://payhip.com/b/wzn6
Leave a Reply