Sinasalamin ng pagkain sa hapag-kainan ng isang pamilya ang kanilang sosyo-ekonomikong kalagayan. Pilit na pinagkakasya ang kakarampot na kita para may maihain lamang para sa pamilya. Minsan nagkakasya na lang sa lugaw o saging at kamote o kaya naman ay ‘altanghap’ (almusal, tanghalian at hapunan), isa hanggang dalawang beses na kain sa isang araw para makatipid. Sa napakahabang pandemya at kawalang kabuhayan, palaging tanong ay kung may naiihain pa ba sa mesa ang pamilyang magsasaka?
– Mula sa Introduksiyon
Lutong Gipit: Mga Recipe sa Panahon ng Krisis
Amihan National Federation of Peasant Women,
Rural Women Advocates, at Gantala Press
Nilalayon ng Lutong Gipit na idiin ang usapin sa kalagayan ng kababaihang magbubukid at ng kanilang mga pamilya. Sa gitna ng socio-economic crisis, food crisis, kawalan ng kabuhayan na dulot ng pandemya, kalamidad, at militaristang lockdown, walang ayuda ang napupunta sa mga pamilyang magbubukid.
Higit isang taon nang nananawagan ang mga magbubukid, magsasaka, mangingisda, at manggagawang agrikultural para sa cash aid at production subsidy, ngunit pinagkakaitan pa rin sila ng sapat na ayuda. Hindi lang sila pinapabayaan, kundi pinagtataksilan at binabaom sa lugi, utang, at gutom dahil sa mga neoliberal na patakaran tulad ng EO 135 at Rive Liberalization Law na isinusulong ang interes ng mga lokal at dayuhang mamumuhunan, imbis na ang karapatan at kabuhayan ng mga mamamayan.
Sabay-sabay nating panagutin ang palpak at pabayang administrasyong Duterte upang makamit ang sapat na production subsidy, emergency relief, at iba pang uri ng financial aid na nararapat sa loob ng isang krisis, at isulong ang national food sovereignty bilang pangmatagalang solusyon sa food security.

Publication Year: 2021
Language: Filipino
Format: Print
Pages: 60
Size: 5.5” x 8.5”
Selling Price: Php 250. Proceeds will go towards securing subsidy and farm/production tools for peasant communities. Order from https://shopee.ph/gantala_press.
Leave a Reply