Inedit at pinaikling transcript ng talakayan sa paglulunsad ng komix na Ligaw-Tingin, tampok sina Emiliana Kampilan, Rae Rival, Betina Continuado, Nikki de Chavez, Jasmin Sambac, Joanne Cesario, Michelle Bacabac, Katrina Pallon, at Trisha Sanijon. Hunyo 23, Buku-Buku Kafe, Las Pinas.

Lia: Nagsimula po ang Ligaw-Tingin sa tanong na: bakit parang walang genre ng komix para sa mga lesbiyanang Pilipina? Lalo na sa panahon ngayon na talagang dinadahas ang mga babae, we should be united. Kailangan, mas maingay ang mga sigaw or perhaps, mas maingay ang tili. Which means dapat may distinct voice. Ang kawalan ba ng literatura o komix na lesbian ay dahil hindi gumagawa ang lesbian o walang lesbian? Of course, hindi. So ang Ligaw-Tingin ay sagot dito sa kawalang ito. Sagot din namin ito sa umiiral na panitikang LGBTQ sa Pilipinas, catered ito sa middle class o sa elite. Hindi siya gaanong reflective talaga sa mga materyal na kondisyon ng Pilipinas. Matatawag ba itong gawang Pilipina? Kasi it doesn’t explore the full spectrum ng pagiging lesbian, bi, trans, gay, queer na Pilipina. Dito nagsimula ang Ligaw-Tingin.
Binigyan namin ang mga komikera natin ng very broad theme, that is, ‘yung pagtingin o pagsulyap ng Pilipina na gay para sa kanyang kapwa babae. At amazingly, mula sa napakasimpleng theme na ito, ang talagang naisilang naman ay bahaghari, samu’t saring kuwentong may sari-sariling kulay, diwa, boses. So hindi lang talaga iisa ang boses ng Pilipina. Maraming boses ang Pilipina. This is a chorus, actually, of many voices. Magmula sa feminization ng myths na gawa ni Ramos, all the way sa napakaraming krisis tungkol sa desentralisasyon sa gawa ni Continuado, sa aging couples na gawa ni Nikki de Chavez, sa isyu ng pagpuno ng mga espasyo ng LGBTQ na gawa nina Joanne at Michelle, at ito, very proudly, nandito po si Jasmin Sambac: pati naman ibang relihiyon, mayroon ding LGBTQ. At si Trisha na mayroon ding sagot sa tanong na: wala bang sariling kultura ang mga batang babaeng LGBTQ sa Pilipinas?
So umaasa po kami na kaya ito Ligaw-Tingin, is because it subverts the male gaze. Kung ang konsepto nga natin ng male gaze, gaya nga ng sabi ni John Berger ay mapag-angkin o agency-depriving, itong female gaze ay revolutionary. So ang mga kuwento po namin dito ay very reflective ng material conditions at ng krisis ng kababaihan sa Pilipinas. Hindi lang siya nagsasalita, tumututol din talaga siya sa mga isyu na hinaharap natin ngayon.
Panliligaw pa lamang ito, as the title suggests, pero mula po rito, sana ay magkaroon ng mas malusog na relasyon kaming mga manggagawa ng komix sa inyong mga mambabasa ng komix. Sana, sagutin niyo rin kami ng “Oo,” di ba? At hindi lang ito mauwi sa simpleng ligawan.
Rae: Paano kayo nagsimula sa komix or ano na ang experience niyo sa komix so far?
Betsy: First finished komix ko siya (ang “Huli”) in a while. Nag-experiment ako sa komix nu’ng high school pero mga komix lang na hindi lumalampas ng sampung pages. Ito na ‘yung pinakamahabang komix na natapos ko.
Kray: Since pagkabata, mahilig talaga ako sa mga doodle, sa mga notebook, pero siguro 2 or 3 years pa lang ako nakakatapos ng actual na story na ganyan. Medyo stress reliever siya na nakakastress.
Jasmin: Actually wala akong solid background sa komix. Yung mga ginawa ko before this, puro autobiographical … ‘yung pang-cope lang? Kasi, ‘yung career ko is sa medical field. Ginagawa ko siyang stress reliever ‘pag di ko na kaya, ganu’n. Ito ‘yung first time na may ginawa akong art na hindi para sa akin.
Joanne: Nag-start ako ng komix noong 2013. Sa UP, mayroong Creative Writing class, si Carljoe Javier, na comic book writing. Nag-collaborate kami ru’n ni Mich, magka-org kami sa UP. Tuloy-tuloy na hanggang sa present, so komix talaga ang ginagawa ko.
Rae: Ano ang hopes and dreams niyo bilang komikera, at para sa community in general?
Joanne: Mas maging broader [ang komix], hindi masyadong middle class. Kasi ang daming komikera ang gumagawa about the farmers, about the marginalized, sobrang diverse ng content. Bukod sa tayo ang gagawa, maka-provide din tayo ng platform para sa iba. Dalhin ito sa streets, kasi grabe ang potential ng iba’t ibang lugar, iba’t ibang sektor. So sana mabigyan din sila ng platform para [magkomix]. Kasi mas alam naman nila ang karanasan nila kaysa sa atin.
Betsy: Ang pangarap ko para sa mga ganitong klaseng komik ay maging mas accessible ito sa iba’t ibang tao sa Pilipinas. Kasi ‘yung iba, hindi naman makakapunta sa mga ganitong event.
Kray: Same na rin, broader content, broader audience, maganda sana kung mas down-to-earth, mas accessible ang content na nakikita niyo. More important na mga isyu sana.
Lia: Bukod sa production and distribution, natutuwa talaga ako sa mga komix na ito kasi gusto ko, magkaroon talaga ng established na genre ng LGBTQ na literature. Halimbawa na lang, ‘yung gawa ni Betsy. ‘Yung kanya, sirena na kuwento. But it reflects the material conditions of the Visayas, and that’s something you don’t usually see sa mga kuwento natin. Meron din siyang issue ng joblessness sa kababaihan …
Betsy: Kasi napansin ko, walang babaeng mangingisda. So doon ko nakuha ‘yung inspiration ko. What if makarating sa situation na kailangang mangisda ng babae, o bakit walang mangingisda na babae? Bakit palaging mga lalaki.
Lia: Talagang they’re treated as fishwives; pagkatapos makuha ang isda, kokolektahin lang nila. If there’s a mermaid story, ano ba ang tumatatak sa Filipino consciousness di ba? Dyesebel. O kaya, Marinara ba ‘yun? These are all very gaze-y din na kuwento. ‘Yung sirena is something na very exoticized. ‘Yung seaman or sailor ay talagang huhulihin siya. In Betsy’s [story], nakakatuwa kasi they catch each other. It’s a play on that. So may equalization of power.
Isa pang kinatuwa ko tungkol sa genre, ‘yung tungkol sa problema ng urban sprawl. Ang ganda ng storytelling nina Joanne and Michelle. Talagang napaglaruan nila ‘yung konsepto ng gaze. They reflected it. Napakita nila na pati ang Filipina komix, it’s not just one thing. Maraming boses, maraming paraan ng pagkuwento. Could you shed light on that?
Joanne: Ever since, parang hindi ko talaga skill ‘yung linear storytelling. So natutuhan ko over the years na maglaro sa treatment. Mahilig kasi ako sa shifting na POV. ‘Yung sa komix namin, apt din siya siguro kasi space … hindi lang siya something physical, metaphor din sa mga nale-leave behind. So siguro napaglaruan din namin ang gaze in terms of treatment sa storytelling.
Michelle: In terms of drawing style naman, dinecide namin na mag-traditional drawing kasi parang handmade siya, so parang mas close to female works.
Lia: Maganda ‘yung sinabi ni Michelle na it’s closer to female work. Kasi kahit na ‘yung tinatawag nating handicraft, gawang kamay, considered na gawa ng mga babae. At itong handicrafts, historically, ito ‘yung karaniwang nagpapakulay sa buhay ng mga Pilipino. Halimbawa, ito na lang damit ko, itong burda, babae malamang ang nagtahi niyan, sa factory work. O ‘yang tinitingnan kong bags, these are women’s works talaga. ‘Yung pintor namin, si Katrina Pallon, ang ganda ng laro niya sa tingin ng dalawang dalagitang ito. At the same time, ang basis ng design ay women’s art.
Katrina: I decided na ‘yung subjects ng painting ay dalawang ladies from Spanish times, kasi I believe na doon sinupress ang sexual expression ng mga tao, particularly ng mga lesbiyana. At saka, since first compilation [ng Gantala], I decided: let’s go for something traditional, Filipiniana, na makikilala agad na they’re wearing baro’t saya, they’re wearing Maria Clara na nare-relate natin agad with femininity, with the old-school Filipina na sobrang suppressed ng patriarchy. ‘Yung batik na background: I believe that batik is not just a Malaysian or Indonesian art, it’s also something that we do in the Philippines, nakikita mo sa something like a duster. ‘Yun ‘yung way ko to localize the batik.
Rae: Tungkol sa makukulay na handicrafts na gawa ng babae, isa ‘yun sa mga hindi nare-recognize. Bukod sa nabanggit kanina na known ang mga babae na nasa bahay, nagbabantay ng anak, mayroon silang ginagawang ganito, mga raket na tinatawag, para pambayad-utang. Katulad ng mga magsasaka natin na nalulubog sa utang, kakabili ng pestisidyo na required ng landlord. ‘Yung babae, naghahanap siya ng raket upang makatulong sa economic needs ng family.
Ako rin, hindi pa ako nakakakita ng mangingisda na babae. Pero siguro naman, mayroon ‘no? Katulad din sa mga manggagawang bukid, ‘yung babae, importante pala ‘yung role niya sa production. Akala natin, ‘yung mga lalaki lang ang nagsasaka. Land preparation lang actually ang ginagawa ng mga lalaki. Tapos mga babae na talaga ang nagme-maintain, nagbobomba ng pesticide, hanggang sa pag-aani, sila ang in-charge.
Sa tingin niyo – hindi na actually dapat ito sinasagot, pero bakit mahalaga ang lesbian visibility sa komix?
Jasmin: So there’s someone to look up to ang mga bata. Growing up, wala akong masyadong nakitang lesbian content, so nu’ng narealize ko na I like girls, ang una kong naisip ay: is there something wrong with me? Kasi kung mas visible siya sa media, mas mano-normalize siya. And mababawasan nang mababawasan ang stigma over time.
Betsy: Also, dapat, ‘yung representation is accurate, hindi ‘yung parang recently lumabas na MMK episode na sumakto pa sa Pride Month, na masama ‘yung binigay na image para sa LGBT+ na kababaihan.
Kray: You would give voice din sana to the people sa media, na LGBT+, na may [chance] din sila to express who they are. They’re part of the culture na gumagawa ng media, pero bakit hindi sila puwedeng magsabi ng stories nila.
Lia: It’s a space for discourse din naman talaga. ‘Yung pananaig ng boses sa media, reflective din siya sa kung kaninong boses ang nananaig sa lipunan natin. So the fact na walang LGBTQ voices sa media, is reflective na talagang disempowered ang LGBTQ members sa lipunan natin. At may mga problema ang LGBTQ members na talagang kailangang pag-usapan. Isa sa mga gustong-gusto ko sa komix namin is ‘yung “Bangon” ni Nikki de Chavez. Interesting ‘yung kanya kasi she tackles the issues of aging and death among LGBTQ couples. More often than not, lalo na sa bansa natin, you will have to go through this horrible economic and legal hell para maka-adopt … pangit talaga ang sistema. LGBTQ couples, sadly, usually die alone. Walang naiiwang mag-alaga. Madalas di ba, ‘yung matatanda, ang nag-aalaga ay mga anak na tibo, anak na bakla, anak na bi, anak na trans.
Kray: Kaya ko rin siya ginawa, kasi ang nangingibabaw sa LGBT stories, ay ‘yung happy years na, nagliligawan kayo, o nadi-discover mo ‘yung sexuality mo o ‘yung preference mo, pero mahaba ang buhay. Marami pa kayong puwedeng pagdaanan, lalo na sa society natin na ‘yung mga tito, tita mo na mga bakla, tibo, usually nasa bahay lang sila, taga-alaga ng mga lolo’t lola mo, tapos parang hindi na sila naggu-grow, nakaka-experience ng life on their own. Kasi nga, ‘yun ‘yung role na [inimpose sa kanila], sa bahay, kasi di ka naman mag-aasawa, di ka naman magkakapamilya, so diyan ka na lang. We also have the chance to be happy, magkaroon ng family, sumama sa mga mahal [natin]. So parang fresh na perspective ‘yun sa akin, maganda siyang ikuwento, may ganitong nangyayari o may ganitong mga tao na hindi naman natin napapansin, kasi we have our own lives na kumbaga, swak siya sa heteronormative na situation.
Lia: Maraming problema ang LGBTQ people na hindi hina-handle ng media, and honestly just ignored to the point na inhumane na talaga ang tingin sa LGBTQ people. Kung meron namang LGBTQ issue na pinag-uusapan sa TV, it’s usually from a Christian perspective. Saan ka nakakita ng from a Muslim perspective, at lalo na, na localized sa Pilipinas? Yet napakaraming Pilipina na LGBTQ, napakaraming Muslim sa Pilipinas. Ang ganda ng kay Jasmin Sambac, because it’s just such a simple story, but it has so much to say about her own community.
Jasmin: Kasi ang karamihan ng nakikita ko nga ay Christian perspective, at religious conflict, na God still loves you, Jesus still loves you. Wala akong masyadong nakita sa lens ng Islam sa Philippines. Sa nakita ko rin with how I was raised, sa mga magulang ko mismo, sobrang hostile ng Islamic culture sa members ng LGBT. Wala rin masyadong nagka-come forward with gay content sa Islamic community. … Hindi naman kasi talaga mutually exclusive ang pagiging subscribed sa organized religion at pagiging part ng LGBT. Hindi katulad ng sinasabi nila na kapag ako ay isang tibo, I am straying away from my religion na. I would be lying kapag sinabi ko na hindi toxic ang Islam culture pagdating sa kababaihan at queers. So ang ginawa ko, particularly sa queer women, ay ireconcile ang religion at pagiging queer.
Rae: Hanggang rampant ang discrimination, hindi natin puwedeng i-ignore ang identity … Kasi may nagsasabi, ano ba ‘yan, identity politics, identity-identity lang tayo. Sa tingin ko, hindi pa kasi tayo nakakalampas [sa problema].
Sa tingin niyo, importante bang magkaroon ng genre na specifically catering to women?
Katrina: Sa komix at visual arts in general, kailangan kasi nating ma-gain ‘yung power natin in terms of sa gaze. Important na makita rin natin ang subjects from a woman’s perspective. Kasi ang laki talaga ng difference compared to the male gaze, which is very objectifying. Ang field of expertise ko is fine arts, and usually mga babae pa rin ang subject, ang karamihan sa mga pintor ay mga lalaki. So it’s saddening na pupunta ka sa mga exhibit, and very heteronormative ang subject. Kailangang i-normalize at ikalat pa ang art na mula sa lens ng babae.
Betina: ‘Yung experience ng mga lalaki ay hindi pareho sa experience ng mga babae. Kailangang i-voice out ng mga babae ang kanilang mga paniniwala, experiences.
Kray: Ang nagiging trend na rin kasi ngayon, medyo popular na nakikita niyo ang stories about bakla. Medyo nagiging accepted na siya nang kaunti. Pero puro ‘yun na lang sa ngayon ‘yung madalas niyong nakikita. Hindi lang naman sila ang part ng LGBT+ spectrum, there are other people – bi, gay women, na importante ring maikuwento nila ‘yung experiences nila.
Joanne: Importanteng may sariling genre ang lesbian women na queer women din mismo ang gumagawa. Kasi sa mga storytelling, more often than not, sila ‘yung bestfriend, sila ‘yung sidekick, or tibo na kapitbahay. Mas okay na tayo ang gumawa ng sariling story natin na tayo ang bida.
Trisha: Mayroon talagang pangangailangan na magkaroon ng lesbian visibility. Kasi ‘yung mga naririnig nating kuwento, usually nagpu-promote pa rin sila ng stereotypes. Lalo na sa mga kapatid nating kababaihan who are still figuring out themselves, mahalaga na magkaroon din ng ibang material para makita rin nila, ah, ganito rin pala ang experience ng pagiging tibo sa Pilipinas, na very distinct and very different din naman talaga sa lesbian experiences sa kanluran o sa experience na nakikita natin sa manga.
Lia: … ‘Yung rise ng soujo sa manga ay nagko-coincide with the fall of patriarchal institutions sa Japan. Isa siyang post-war movement. Nu’ng nagkabagsakan na ang lahat ng institusyon sa bansa, women started turning within. Kaya makikita niyo sa mga paneling ng Princess Manga na minamaliit na sparkly heart, those are really subversive. … ‘Yung mga pre-war manga, they’re very keen on realism. … Soujo exerts expressionism into manga. … Kapag bumagsak na ang mga patriarchal institutions na ito, we need to turn inside, dahil totoo na ‘yung mga nararamdaman niyo. Justified ‘yung galit ng soujo character. What I’m saying is, itong rise ng women’s movement sa art, sa komix, ay related din sa political landscape ng bansa. So talagang importante na magkaroon ng women’s genre, kasi importanteng magkaroon ng women’s movement sa Pilipinas, not only in terms of art, but in terms of paglaban sa mga materyal na nagpapadusa sa kanila. This is reflected in the arts. And the arts should also empower [the women]. ‘Yun ang halaga ng movement. Soujo actually paved the way for the many early bluestocking movements in Japan. … Later on naging josei na siya, dealing with very mature problems. And then ang dami na niyang ipinanganak na genre. All because women started turning within and reflecting within the panels of their manga.
Rae: And sabi nga ni bell hooks, feminism is a movement to end sexism, sexual exploitation, and patriarchy.
Paano magiging Pinoy o made-decolonize ang komix para sa mga Pinay?
Betsy: As an artist, nagsta-struggle pa rin akong i-incorporate ‘yung Filipino culture sa art ko, if you look at my illustrations, very Western-inspired siya. But being involved sa Ligaw-Tingin, I came to appreciate ‘yung mga di ko napapansin dati na kagandahan ng Filipino culture. So I think kailangan lang talaga nating hanapin ang kagandahan sa sarili nating kultura. Kasi nao-overlook siya madalas.
Kray: Maganda rin na may different types of styles na maipapahayag sa media or visual art. Kasi exposed na tayo sa mga manga or westernized styles, so ‘yun ang tina-try nating i-adopt ngayon. Pero dahil nga sa mga komix or sa mga ganitong project like Ligaw-Tingin, makakakita kayo ng diverse styles which you can use as a stepping stone …
Lia: I’ll speak for Pat Ramos. ‘Yung kanya, a retelling of the alamat ng Kanlaon, a Visayan creation myth. Si Kanlaon, sinave niya ‘yung prinsesa mula sa halimaw sa bulkan. ‘Yun ang original na kuwento. Pero may issue. Bakit automatic na ‘yung savior, in-envision natin agad na lalaki? That’s the first question that Patricia asked, when in fact women have always been loving other women? At hindi rin ito reflective sa political and historical reality, na babae naman talaga ang nagliligtas sa kapwa babae niya, with the suffrage movement, and the women’s rights movement. What Pat does is to be reflective of the local myths. ‘Yung pagbawi niya ng mythology, which is the first story of the book, because everything really emerges from that point.
Jasmin: Artists can start at home — kung ano ‘yung mga kinagisnan mo, kinasanayan mo. … Kasi ang Pilipinas, ethnically diverse. Ang dami nating tribes, lumad, ang dami nating makukuhang stories from them na sila mismo ang magsasabi.
Joanne: Nu’ng una natatakot kami, kasi iba ang style, ang storytelling namin. … Kami ni Mich, urban sprawl, pareho kaming galing probinsiya, kakalipat lang ulit namin ng lugar, palipat-lipat. Equally important na maging sincere at maging totoo sa karanasan.
Michelle: For me, as long as ‘yung sinusulat mo ay own experience mo. Pilipino ka rin naman. I’m from Mindanao pero I studied in Manila, so mahirap sa aking maka-relate sa indigenous culture sa Mindanao. Hindi ko alam ‘yung kuwento nila. So feeling ko, basta magsulat ka lang about your own experience, kung ano ang alam mo.
Trisha: Unang-una sa lahat, pagbabalik-tanaw. Balikan natin ang kasaysayan natin pero hindi lang ito ‘yung basta-bastang pagbabasa kundi ‘yung kritikal na pagbasa. Alamin kung alin ‘yung kuwento natin talaga at alin ‘yung kuwento ng iba na nilapat lang sa atin. Ito ay pag-reflect sa ating sariling experience, and at the same time, pakikinig din sa kuwento ng kapwa kababaihan na may iba’t ibang karanasan, nanggaling sa iba’t ibang uri. Sa pakikinig at pagiging reflective magsisimula ang proseso ng pagsasa-atin ng komix.
Katrina: Bilib ako sa ibang Asian countries, particularly ‘yung mga kapatid natin sa Southeast Asia, despite ‘yung pagiging modern/postmodern ng mga gawa nila ay nakikita mo ang kultura nila. Like Thai artists or Indonesians, Japanese, Chinese. Ang nakikita kong way to decolonize is to localize.
Lia: Ms Pallon deals with female subjects … from folktales all over Asia … and usually these are handled with an exoticizing quality. How do you avoid fetishizing ‘yung subject mo sa iyong works?
Katrina: … What I try to do is to be consistent with my works. … ‘Yun naman ang personal objective ko bilang artist, and I don’t think I’m alone in this one. You’re trying to make people appreciate your aesthetic, your themes, ‘yung mga bagay na tinatalakay mo sa gawa mo. ‘Yun ang hope ko, na by continuing on this path, by improving on this path, by being consistent with my subjects, kahit na ang daming nagrerequest: bakit hindi mo gawing mas western ‘yung subjects mo or something. I’m very stubborn with that.
Lia: Ang komix naman talaga ay kolonyal na sining. Which is why there’s this need to decolonize it. We’re really exposed to both comics from the West and manga. That’s including me. Mas exposed ako sa manga kasi mas maraming babaeng manga creator. It’s a genre that’s catering to women. Mas mabait siya sa akin, e.
Maganda ‘yung kay Trisha which is of the schoolgirl story. … Whereas hindi natin maitatanggi na may exposure si Trisha to manga influences, she is able to reclaim that in her work. It is not at all tropey, promise. There are no words in it, but the actions speak for themselves. At ang subversive lang ng tema … How did you reclaim manga as a Filipina komikera?
Trisha: Sa totoo lang, wala ‘yung conscious effort sa kung paano siya isa-subvert. … Maraming comics na nakabukas habang ginagawa ko [‘yung komix ko]. Kasi ‘yung ideya nu’n, nagsimula talaga sa isang kanta. At ‘yung kantang ‘yun, ‘yung version na kinanta ng isang dalagita … Hindi ko pa naririnig ‘yung ibang rendition ng kantang ‘yun. Habang kinakanta niya ‘yun, pumasok sa isip ko na ah, ganito ‘yung kuwento. Tapos may nabasa kasi ako na the message that you want to express will determine the style that you will use. Kaya nabuo ‘yung ideya na ‘yun at ganu’n siya lumabas.
Leave a Reply