“Alam ko, hindi gawain ng isang mabuting binibini ang lumiham sa kanyang iniibig. Ang mabuting binibini ay naghihintay at tumatanggap ng mga liham at hindi sumusulat ng mga ito.”
Ang Diary ni Joaquina
ni Joi Barrios
Sa pagsusulat natagpuan ni Joaquina ang kanyang sarili, ang kanyang nais, at ang kanyang gustong tahakin bilang babe. Puno siya ng mga pangarap para sa sarili at sa sinisintang si Vicente.
Pagbalik sa asyenda, natapos na ang kanyang mga pangarap na itinala sa kanyang talaarawan. Nakatala na tulad ng kanyang mga kataga ang kanyang tadhana — ang maging isang mabuting maybahay sa lalaking hindi naman niya iniibig.
Isang umaga ay bumungad kay Joaquina ang napakaraming bulaklak sa simbahan. Sa dalawang uri lang ng pagdiriwang siya nakakakita ng maraming bulaklak — sa mga kasalan at sa burol ng patay.
At nang binasbasan sila ng pari at sabihing panghabangbuhay silang magsasama sa hirap at ginhawa ni Pedrito, pakiramdam ni Joaquina ay ibinuburol na siya at para na ring ibinigay sa kanya ang huling sakramento.

Publication Year: 2024
Language: Filipino
Format: Print
Pages: 106
Size: 5.5” x 6”
Selling Price: Php 180
Ang Diary ni Joaquina is published under Librong Laso, Gantala Press’ new line of feminist romance novels in Filipino and other local languages. To submit a manuscript, email gantalapressworks@gmail.com


Leave a Reply