BINHI NG PAGLAYA

Dahil hangga’t ikinukulong
at pinapatay nila ang mga naglilingkod
sa mga mahihirap at magsasaka,
walang puwang
para sa siphayo o panlulumo
dahil kami,
tayo ay mga munting
binhi ng paglaban.

– mula sa “Binhi ng Paglaya”

Binhi ng Paglaya
Amanda Socorro Lacaba Echanis

“Patunay ang aklat na ito na kailanmaý di masasagkaan ng rehas at mataas na pader ang mapanuring kaisipan at malikhaing kakayahan ng isang manunulat. Alay [ni Amanda] ang mga likhang akda sa kagitingan ng mga nagbuwis ng buhay gaya ng kanyang ama; alay din ang mga salita para sa kinabukasan ng kanyang supling na pumapawi sa kanyang lumbay sa piitan. Higit sa lahat, alay niya ang kalipunang ito sa lahat ng nananalig na makakamit pa rin ang maaliwalas na bukas dahil naipunla na ng kilusan ng anakpawis ang binhi ng paglaya.” – Luchie Maranan, Pangalawang Tagapangulo, Dap-ayan iti Kultura ti Kordilyera


Si Amanda ay manunulat, manggagawang pangkultura, at organisador para sa Amihan National Federation of Peasant Women. Noong Disyembre 2020, inaresto siya sa gawa-gawang kaso at kasalukuyan siyang bilanggong pulitikal sa Cagayan Valley.

Siya ay iskolar ng Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas. Bilang mag-aaral ng Creative Writing sa Philippine High School for the Arts, nailathala ang kanyang unang libro na may pamagat na Tatlong Paslit na Alaala noong 2006. Pagtuntong sa kolehiyo, pinili niyang maging organisador at manggagawang pangkultura sa sektor ng maralitang taga-lungsod. Dito, nag-organisa siya ng mga palihan at pagtatanghal ng mga kabataan sa mga komunidad kasama ang Sining Kadamay o SIKAD. Noong 2014 at 2015, itinanghal ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY ang isinulat niyang dula na Nanay Mameng. Naging project coordinator din siya ng Cinemaralita: A Film Festival About the Philippine Urban Poor.

Ang ilan sa kanyang mga tula, sanaysay, at liham ay mababasa sa Umani: mga likhang sining ng buhay at pakikibaka ng magsasaka para sa lupa at kalayaan (2004), Panata sa Paglaya: Mga tula ni Ka Randy Echanis, kapamilya at mga tagasuporta (2009), Saloobin: mga akda ng/para sa kababaihang bilanggong pulitikal (2021), at Sulatan sa panahon ng pandemya (2022).

Ang Binhi ng Paglaya ay tinipon niyang mga tula, kuwento, sanaysay, liham, at dula.

Publication Year: 2023
Language: Filipino, English
Format: Print
Pages: 176
Size: 6” x 8”
Selling Price: Php 350. Proceeds will be turned over to the Free Amanda Echanis Movement.

Leave a Reply

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.