KUNG DARATNAN PA KITANG NAGHIHINTAY

“Pero para kanino pa ba naman ang rosas kundi sa akin? Ako lang naman ang bagong dating sa buong bahay na ito….

Itong single rose na ito, iba doon sa three red roses na sumisimbolo ng “I love you.” O kaya iyong isang dosenang rosas na padala ng mga mayayaman na syempre, can-afford ng ganoon karaming bulaklak. Iisang tao lang ang may estilong ganito. Hindi nakapagpapalimot ng handwriting ang pitong taon. Kilalang-kilala ko ang sulat-kamay na ito.

Kaya nga siguro ganito ka-simple ang dedikasyon. Alam ng nagbigay na makikilala ko siya.”

Kung Daratnan pa Kitang Naghihintay
ni Joi Barrios

Magkahalong kaba at excitement — iyan ang nadarama ni Lisa sa kanyang muling pagbabalik sa kinalakhang bayan. Matapos maimbitahan na magsulat at magdirek ng dula para sa anibersaryo ng dating eskwelahan, pagkakataon na ito upang muling makasama ang kanyang nanay, mapabuti ang relasyon sa kanyang tatay, at ang pinaka-nakakakaba sa lahat, ang makita ang kanyang dating karelasyon na si Tony.

Sa muling pagdalaw ni Lisa sa kinalakhang bayan, handa na ba siyang harapin at datnan ang nakaraang pagsinta na naghihintay sa kanya? O katulad ng isang rosas na inipit sa libro, bahagi na lamang ito ng alaalang paminsan-minsang gagambala sa buhay?

Publication Year: 2024
Language: Filipino
Format: Print
Pages: 99
Size: 5.5” x 6”
Selling Price: Php 180

Kung Daratnan pa Kitang Naghihintay is published under Librong Laso, Gantala Press’ new line of feminist romance novels in Filipino and other local languages. To submit a manuscript, email gantalapressworks@gmail.com


Comments

Leave a Reply