Muli at muli
Akong magmamahal. Walang pagod, Walang sawa, Walang takot.Bawat pagsinta’y tag-araw. Pawisang noo, anong init
Kahit ang sorbetes sa aking labi’y Anong lamig.Tuyong-tuyo ang lupa
At uhaw sa ulan ang halaman, Ngunit may punong Namumulaklak ng apoy
Sa kanyang pamumukadkad.Muli at muli akong magmamahal
’Pagkat bawat pagsinta’y biyaya ng tag-araw.
Muli, sa Tag-araw
ni Joi Barrios
Tinipon ng Gantala Press ang mga tula ni Joi Barrios sa kanyang apat na koleksiyon—Ang Pagiging Babae ay Pamumuhay sa Panahon ng Digma (1989), Minatamis (1998), Bulaklak sa Tubig (2009), at Sa Aking Pagkadestiyero (2022) upang ipakilala sa mga bagong mambabasa ang haraya ng isang feministang makata. Kilala si Joi bilang isang feministang makata ngunit malaking bahagi rin ng kanyang panulat ay tungkol sa pag-ibig at pakikibaka at ang salimbayan ng dalawang ito. Sa pagbubuo ng koleksiyon, apirmasyon din ito ng naging ambag ni Joi sa panulaang feminista at sa pagsusulong ng mga pambansa-demokratikong aspirasyon ng bayan.

Publication Year: 2024
Language: Filipino
Format: Print
Pages: 67
Size: 5.5” x 6”
Selling Price: Php 180


Leave a Reply