SA AKING HENERASYON

Dahil ang tula, hindi ba, sa simula’y gumagapang,
Makakakita’t titindig, makikinig at tatapang,
Tumatanda, may alaala at may tiyak na asinta.

Dahil mapanlinlang ang panahong lumilikha
ng litong talinhaga,
At ang tula ang siyang dapat na lumikha sa makata.

– Mula sa “Introduksyon”

Sa Aking Henerasyon: Mga Tula at Saling-Tula
ni Kerima Lorena Tariman

Tinitipon sa koleksiyong ito ang lahat ng libro at chapbook na sinulat ni Kerima, partikular ang Biyahe (Laguna: Philippine High School for the Arts [PHSA], 1996); Pag-aaral sa Oras: Mga Lumang Tula Tungkol sa Bago (Metro Manila: High Chair, 2017), at Luisita: Mga Tula (Gitnang Luzon: 2021). Matatagpuan din sa kasalukuyang kalipunan ang ilang mga piyesa sa libro nila ni Sonia Gerilya na pinamagatang Anahaw: Mga Tula at Awit (Palimbagang Kuliglig: 2004). Narito rin ang iba pang mga tula na lumabas sa Philippine Collegian at mga special edition nito; sa dyornal pampanitikan sa PHSA na Dagta; at sa mga publikasyong tulad ng Ulos, ang pangkulturang dyornal ng Pambansa-Demokratikong Kilusan.

Linathala ng Sentro ng Wikang Filipino ng UP Diliman ang 50: Mga Binalaybay ni Roger Felix Salditos (Mayamor/Maya Daniel) (Lungsod Quezon: Aklatang Bayan, 2020) na unang sinulat sa Hiligaynon at/o Ingles at sinalin ni Kerima. Kabilang sa kalipunang ito ang mga saling iyon. Kasama rin sa librong ito ang iba pang salin ni Kerima ng tula ng iba’t ibang rebolusyonaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo at
panahon, mula sa isang walang-ngalang magsasaka sa sosyalistang Tsina hanggang kina “Roja Esperanza” at “Ka Audrey.” Karamihan sa mga salin ay nakapaloob na sa Pag-aaral sa Oras; ang iba ay kinopya mula sa Ulos at Anahaw.

Cover photo by Kiri Dalena

Publication Year: 2022
Language: Filipino
Format: Print
Pages: 390
Size: 6” x 9”
Selling Price: Php 875. Order from https://shopee.ph/gantala_press.

Leave a Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.