Mag-iisang taon na pala sa December, mag-iisang taon nang nakakulong. Pero, ‘yung sabi ko nga dati, ‘yung parang mabilis na mabagal ‘yung panahon. Mabilis kasi, ‘yun nga, isang taon pa lang, pero siyempre mabagal dahil napakabagal ng usad ng kaso ko. Mag-aapat na buwan na nga, hindi pa ako nagkaka-hearing. Although may schedule na, pero end of the month pa. Pero siyempre, bahagi talaga ‘yun eh ng pagkakakulong na kailangan talaga magtiis, pero patuloy pa rin tayo na lumalaban sabi nga natin. Lagi kong pinapaulit-ulit noon dati na hindi sa pagkakakulong natatapos ang buhay, tuloy ang buhay kahit nakakulong. Ako o ‘yung mga kagaya ko na political prisoners.
– Sulat ni Amanda Echanis kay Sandy Panopio
Sulatan sa Panahon ng Pandemya
Tinipon nina Merlinda Bobis, Joi Barrios, at Mailin Paterno
Apatnapu’t walong liham ng dalawampu’t apat na mga Filipina mula hilaga hanggang timog ng Pilipinas (Cordillera—Marawi) at hilaga (USA) hanggang timog (Australia) din ng mundo. Heto ang kanilang kuwentuhan, hingahan ng loob, at palitan ng tatag, tibay at tapang — at higit sa lahat, pagkalinga sa pamilya, kaibigan, komunidad, bayan at planeta.

Publication Year: 2022
Language: Filipino, English
Format: Print
Pages: 251
Size: 6 x 9″
Selling Price: Php 550. Order from https://shopee.ph/gantala_press.
Leave a Reply