SINTANG MALAPIT, SINTANG MALAYO

“Saan na nga ba tumatakbo ang utak niya? Wala kasing kampana at hindi naman nagkulay rosas ang paligid. Kulang ng mga trumpeta. Iyon nga yata ang hinihintay niyang bumasag sa katahimikan. Kasi naman, lagi niyang nauugnay sa mga prinsipe ang pangalan ni Rainier. Kulang na lang, asahan niyang dumating ito na hindi sakay ng eroplano kundi ng isang puting kabayo. Knight in shining armor, kung baga. Walang iniwan kay Prince Charming.”

Sintang Malapit, Sintang Malayo
ni Joi Barrios

Hindi naman nagmamadali si Fely na mag-asawa kahit todo ang kantiyaw at pagtatanong ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak kung kailan siya mag-aasawa. Bakit magmamadali, gayong abala siya sa pagiging guro? Masaya siya sa pagtuturo sa mga bata sa Ochando, isang pangarap na natupad niya para sa sarili.

Ngunit sa kabubuyo sa kanya na seryosohin na ang paghahanap ng kasintahan, dumating sa eksena si Rainier, isang Aleman at tila Prince Charming na magsasalba sa kanya sa pagiging matandang dalaga. Pakakasalan siya nito at isasama sa Germany kung saan sila bubuo ng pamilya, malayo sa kanyang mga mahal sa buhay at karerang itinataguyod. Higit sa lahat, malayo kay Aaron na kanyang kababata.

Sa simula’t sapul, alam naman ni Fely ang kanyang gusto. Sino ang kanyang pipilin — ang sintang malayo o ang sintang nasa malapit?

Publication Year: 2024
Language: Filipino
Format: Print
Pages: 103
Size: 5.5” x 6”
Selling Price: Php 180

Sintang Malapit, Sintang Malayo is published under Librong Laso, Gantala Press’ new line of feminist romance novels in Filipino and other local languages. To submit a manuscript, email gantalapressworks@gmail.com


Comments

Leave a Reply