#HandsOffAngieIpong

Pagkatapos ipasá ang Rice Tariffication Law, gawa-gawang kaso laban sa taumbayan naman ang tinatrabaho ng rehimeng Duterte.

Nakikiisa ang Gantala Press sa pagkundena sa huwad na pagparatang sa manggagawang kultural na si Ka Angie Ipong, at sa panawagang bawiin at ipawalambisa ang inihaing warrant of arrest laban sa kanya. Ginugugol ni Ka Angie ang kaniyang buhay sa pagsulong sa kapayapaan, paglaban para sa reporma sa lupa at seguridad sa pagkain, at pagtaguyod sa karapatan ng kababaihang pesante. Bukod sa pasisilbi sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), siya rin ay katuwang ng Sama-Samang Artista para sa Kilusang Agraryo (SAKA) sa kanilang mahigit kalahating taon nang programang Bungkalan LAND (Learning and Demonstration) na naglalayong ipaunawa sa mga boluntaryo ang kahalagahan ng lupa at ng pagsasaka. Manunulat din si Angie Ipong. Ilan sa kaniyang mga isinulat ay: Garden Behind Bars; A Red Rose for Andrea: Writings from Prison; at BUNGKALAN: Manwal sa Organikong Pagsasaka.

Kinikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ang mga ambag ni Angie Ipong. Inilathala siya sa “Four Women who are Changing Philippine Agriculture” ng CNN Philippines noong Marso 2018 at naging tagapagsalita sa ika-62 Session ng UN Commission of the Status of Women sa New York noong Marso 11-17 sa parehong taon.

Hindi ito ang unang beses na pinaratangan si Ka Angie ng kabulaanan. Sa mismong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong 2005, dinakip siya ng armadong kalalakihan na nagpakilala bilang mga kinatawan ng Criminal Investigation and Detection Group of the Police. Sa loob ng dalawang linggo, inabuso at pinahirapan ang 60-taong gulang na si Ka Angie. Matapos nito ay naging detenidong pulitikal si Ka Angie batay sa mga paratang na arson at pagpatay. Pagkalipas ng anim na taon, pinalaya siya dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Hindi na dapat pang maulit sa kanya o kaninuman ang hirap na dinanas ni Ka Angie sa kamay ng estado. Kataka-taka ang mahigit isang taong paghihintay ng gobyerno bago ihain ang panibagong arrest warrant laban kay Ka Angie na pinirmahan noon pang Hunyo 2018. Kuwestiyonable na inilabas ito sa panahon ng lumalalang red-tagging at pag-target sa mga progresibong organisasyon at indibidwal. Higit pa rito, manipestasyon ng macho-pyudal na sistema — isang pangunahing katangian ng administrasyong Duterte — ang pangha-harass at pagpatay sa mga babaeng aktibista at magsasaka, na nagpapakita ng mga interseksyon ng pagkilos na dapat nating manmanan at palagiang isulong.

Hindi lamang ito laban ni Ka Angie. Ito ay laban ng mga pesante, aktibista, at babaeng patuloy na dinudungisan at tinatanggalan ng boses at karapatan ng pasistang administrasyong Duterte.

0 Comments

·

Leave a Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.