International Day of Rural Women 2019

Oktubre 12, 2019 — Inilunsad ng Gantala Press at Amihan National Federation of Peasant Women ang Talinghaga ng Lupa: Mga Tula, chapbook ng lipon ng mga tula na isinulat para sa mga kababaihang magbubukid or akda mismo ng mga kababaihang magbubukid, sa Komisyon ng Karapatang Pantao sa Diliman, Quezon City. Ang chapbook ay inilunsad bilang pakikiisa sa International Rural Women’s Day sa 15 Oktubre.

Ang Talinghaga ng Lupa ay kumikilala at nagpapakilala sa kababaihang magbubukid. Binabasag nito ang karaniwang pagtingin sa mga kababaihang magbubukid bilang mga asawa lamang ng mga (kalalakihang) magbubukid. Doble kayod ang mga kababaihang magbubukid dahil bukod sa gawain sa bukid ay pasan din nila ang gawaing bahay. Sinisiwalat ng mga tula ang kanilang mga karanasan batay sa uri at sa pagiging babae—bukod sa hirap na danas ay pinapakita rin nito ang kanilang patuloy na paglaban at pagyurak sa sistemang mapang-api. Ang mga kababaihang magbubukid ay militante, organisado, at siyentipiko.

Pinangunahan nina Samantha Lopez at Rae Rival-Cosico ang programa bilang mga tagapagdaloy ng programa. Tinalakay ng Amihan ang sitwasyon ng mga kababaihang magsasaka sa unang bahagi ng programa kabilang ang iba’t-ibang isyu at problemang kinakaharap nila gaya ng kawalan ng lupa, pagpatay at karahasan ng rehimeng Duterte, atake sa kanilang mga organisasyon at lider, pagiging bulnerable sa sekswal na pang-aabuso dulot ng kahirapan at mababang antas sa lipunan, at kawalan ng akses sa batayang serbisyong panlipunan.

Mga kabataang Lumad mula sa Save Our Schools Network

Pinakatampok ang isyu ng RA 11203 o Rice Liberalization Law na naghihikayat sa importasyon ng bigas na sasagasa sa lokal na produksyon ng bigas, at lalong maglulumok sa mga magsasaka sa kahirapan. Tatamaan din ang mga consumer dahil sa maluwag na regulasyon nang imported na bigas at pagtaas naman ng presyo ng mga lokal na bigas.

Kasalukuyang itinutulak naman ang Rice Industry Development Act sa kongreso sa pangunguna ng Makabayan bloc. Naglalayon ang RIDA na palakasin ang lokal na industriya ng bigas para sa food security ng buong bansa. Kaakibat ng RIDA ang patuloy paggiit sa Genuine Agrarian Reform Bill.

Rep. Arlene Brosas ng Gabriela Partylist
Rep. Ka Ayik Casilao ng Anakpawis Partylist

Nagbigay ng mga mensahe ng pakikiisa ang mga representante ng iba’t-ibang organisasyon kabilang na ang mga kabataang Lumad mula sa Save Our Schools Network, Rep. Arlene Brosas ng Gabriela Partylist, at Rep. Ka Ayik Casilao ng Anakpawis Partylist. Inawit ni Rev. Irma M. Balaba, isa sa mga kontributor sa chapbook, ang kanyang akda na “Magsasaka, Lalaya Ka.” Tumula naman si Rogene Gonzales ng Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo (SAKA) laban sa militarisasyon ng mga komunidad sa kanayunan.

Rev. Irma M. Balaba

Ilan sa mga kontributor sa chapbook ay nagbasa ng kanilang mga akda. Binasa ni Andyleene Feje ang kanyang tulang “Tuwing umaga,” si Nikki Mae Recto naman ang “Magtatanlak,” si Ronel Osias ang “Kung ito na nga ang langit,” at si Christine Magpile ang “Tinig.”

Ka Zen Soriano ng Amihan

Sa pagtatapos ay inanyayahan ni Ka Zen Soriano ng Amihan ang mga dumalo sa kilos protesta para sa International Rural Women’s Day na ginanap nung 15 Oktubre sa harap ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa sa Quezon City.

Leave a Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.