Ang buhay at pagkamatay ni Jevilyn Cullamat o Ka Reb ay nagsasalaysay sa dusa at giting ng mga Lumad at taumbayan ngayon.
Matapang, dalisay, at makabuluhang ibinahagi ng kanyang ina na ang desisyon ni Jevilyn na sumama sa pakikibaka ay bunga ng matinding abuso at kahirapang dinaranas nilang mga Lumad. Personal na nasaksihan ni Jevilyn ang marahas na pagpaslang ng puwersang paramilitary sa mga lider ng Lumad na sina Dionel Campos, Datu Bello Sinzo, at Emerito Samarca noong 2015.
Ang walang-habas na pagkamkam ng gobyerno at malalaking korporasyon sa mga lupang ninuno, ang pagbomba sa mga pamayanan, ang pagpapasara sa mga paaralan, ang pagpatay sa mga lider at tagapagtanggol, at ngayon, ang pagsalaula ng militar sa bangkay at alaala ni Jevilyn — sino ang magsasabing hindi makatwiran ang maghimagsik? Na terorismo ang armadong pakikibaka?
Walang iba kung hindi ang gobyernong gahaman, pasista, at berdugo ang tunay na teroristang takot sa sarili nitong anino.
#JusticeForJevilyn
#DefundNTFELCAC
Leave a Reply