LUPANG RAMOS

“Ang hirap. Maiisip ko nga ‘yung noon na, sa demolition, nakatayo kami riyan, nakaharang kami, ‘yung mga sundalo, nakaumang sa amin ang mga armalite. Sino’ng magsasabi kung mabubuhay pa kami? Makakaligtas pa kaya kami sa ganitong sitwasyon?”

– Nanay Lillia, 48

——————

LUPANG RAMOS: Isang Kasaysayan

Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos (KASAMA-LR)

Ang maikling kasaysayang ito ng 372-ektaryang Lupang Ramos sa Dasmariñas, Cavite ay sama-samang sinulat ng mga kasapi ng Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos o KASAMA-LR sa pangunguna ng Pangkalahatang Kalihim na si Ka Miriam Villanueva. Ito ay bunga ng ilang mga pagbisita namin sa protest camp ng Lupang Ramos, kung saan pinalad kaming makapagmasid sa isang pangkalahatang pulong ng KASAMA-LR; matuto kung paano maglipat ng punla (ng sili at mustasa); at makakuwentuhan ang ilang kasapi ng samahan. Ang talambuhay ng kababaihan sa ikalawang bahagi ng libro ay bunga ng mga sesyon sa pagsulat at di-pormal na interbyu na isiningit gawin ng mga nanay sa araw-araw nilang iskedyul ng pagbubungkal, paggawa sa bahay, at pag-aalaga sa mga anak.

Layon ng proyekto na, una, tumulong sa pagtatala ng salaysay ng kababaihang pesante na malaon nang hindi makita sa kasaysayan at panitikan; at pangalawa, isiwalat ang matagal na ring pakikibaka ng mga magbubukid hindi lamang sa Cavite, kundi sa buong bayan. Nawa, mahikayat ang mga tao na ipagtanggol ang ating mga magsasaka at lupa. Gaya ng tatlong dekadang pakikibaka sa Lupang Ramos, lehitimo, makatuwiran, at makatarungan lamang na ipaglaban din natin, bilang taumbayan, ang tunay na reporma sa lupa.

This short history at the 372-hectare Lupang Ramos in Dasmariñas, Cavite was collectively written by the members of Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos (KASAMA-LR or Organization of Legitimate Farmers and Dwellers at Lupang Ramos) headed by its Secretary General, Miriam Villanueva. This was the result of several visits to the protest camp at Lupang Ramos, where we were fortunate enough to observe a general meeting of KASAMA-LR; learn to transfer chili and mustard seedlings; and share stories with some members of the organization. The short memoirs in the second part of the book are the result of writing sessions and informal interviews that the mothers had to find time for from their daily schedule of working the land, doing household chores, and taking care of their children.

The project hopes to, first, contribute to the documentation of the lives and stories of peasant women in the Philippines that have long been invisible in History and Literature; and second, show the equally protracted struggle of farmers not only in Cavite, but in the whole country. We hope that the people will be encouraged to protect our farmers and land. Like the three-decade-long struggle at Lupang Ramos, it is only legitimate, fair, and just that we, the people, also fight for genuine land reform.

Publication Date: 2019
Language: Filipino
Format: Softbound
Pages: 74
Size: 5.5” x 8.5”
ISBN: N/A
Selling Price: PHP 250
Buy from Payhip: https://payhip.com/b/fsr7

Leave a Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.