Category: Statements

  • Kalampag Kontra Kagutuman

    Sa ikalawang taon ng pagpapatupad ng RA 11203 o Rice Liberalization Law (RLL), nangangalampag ang kababaihan at taumbayan kontra kagutuman. Gamit nila ang mga kaldero at platong walang laman, at boses mula sa sikmurang hindi mapalamnan. Bunsod ng RLL, tuluyang natanggal ang limitasyon sa pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa, habang ang lokal na…

  • Defend the Farmers!

    Kinabukasan matapos ang paggunita ng taumbayan sa pagpaslang sa 13 magsasaka sa Mendiola noong Enero 22, 1987, sinunog ang kabahayan ng mga magsasaka sa Hacienda Yulo kahapon, Enero 23.  Ang Hacienda Yulo ay isang 7,100 ektaryang tubuhan sa Laguna. Tinipak-tipak ang Hacienda Yulo at ibinenta ang mga bahagi nito sa Ayala Land, Eton Properties ni…

  • Ang ating Lupang Ramos

    Ang ating Lupang Ramos

    Una naming narinig ang tungkol sa Lupang Ramos noong bungad ng 2019 sa The Common Ground Cafe sa Maynila, sa paggunita ng Amihan National Federation of Peasant Women at Gantala Press sa anibersaryo ng Mendiola Massacre na pinamagatang “Lingon, Sulong!” Paglulunsad din noon ng Mamumuo, isang zine ng mga sulatin ng kababaihang manggagawa ng NAMASUFA-NAFLU-KMU…

  • Palayain sina Lady Ann at Dennise!

    Laging hindi patas at makatarungan ang pamamaraan ng mga nagtatanggol ng sistemang kumikitil sa karapatan at dignidad ng mamamayan. Tulad ng magnanakaw, pupuslit ang mga pusakal sa gitna ng kahimbingan — kung kailan malaki ang posibilidad na walang makakasaksi sa karahasang pwedeng ikubli at baliktarin sa harap ng madla. Alas-tres ng umaga, sa mismong Pandaigdigang…

  • Palayain si Amanda Echanis at si Baby Randall Emmanuel!

    Di pa man naghihilom ang sugat ng sambayanang anakpawis sa pagpaslang sa dinadakilang ama ng mga maralitang magsasaka na si Ka Randall Echanis, habang patuloy na nagdadalamhati ang mga ina at anak ng bayan sa sinapit nina Reina Mae Nasino at Baby River, patong sa napakaraming panliligalig at pagkitil sa karapatang pantao ng libu-libo pang…

  • Justice for Jevilyn!

    Ang buhay at pagkamatay ni Jevilyn Cullamat o Ka Reb ay nagsasalaysay sa dusa at giting ng mga Lumad at taumbayan ngayon. Matapang, dalisay, at makabuluhang ibinahagi ng kanyang ina na ang desisyon ni Jevilyn na sumama sa pakikibaka ay bunga ng matinding abuso at kahirapang dinaranas nilang mga Lumad. Personal na nasaksihan ni Jevilyn…

  • Palayain si Beatrice Belen!

    Palayain si Beatrice Belen!

    Ang pagpapalaya kay Beatrice Belen ay pagpapalaya sa api at pinagsasamantalahan. Labag sa ikabubuti ng kalagayan ng kababaihan at mamamayan ang arbitraryong pag-aresto sa kabaro at kasamang si Beatrice “Betty” Belen. Si Betty ay lider-katutubo at dating Regional Vice-Chairperson ng Innabuyog-Gabriela at kasalukuyang bahagi ng Advisory Council nito. Siya ay arbitraryong inaresto sa kanyang tirahan…

  • Hustisya para kay baby River! Palayain si Reina Mae Nasino! Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal!

    Nakikidalamhati ang Gantala Press sa pagpanaw ni baby River, ang tatlong buwang gulang na sanggol ng aktibista’t pulitikal na bilanggo na si Reina “Ina” Mae Nasino.  Ang pagpanaw ni baby River ay bunga ng sistematikong atake ng estado sa mga aktibista at progresibong organisasyon. Ang karumal-dumal na karanasan ng mag-ina ay hindi nalalayo sa pang-araw-araw…

  • Solidarity Message for IAF

    Solidarity message for the International Authors Forum‘s general meeting on September 23. Also a brief situationer of our work in the pandemic. Some images from Amihan National Federation of Peasant Women

  • Isang Libong Pighati: Kababaihang Mamamahayag sa Panahon ng Lagim

    Isang Libong Pighati: Kababaihang Mamamahayag sa Panahon ng Lagim

    Sapagkat ang talas ng panulat ay gaya ng sa tabak, kaya rin nitong makasugat. Ang pagiging manunulat at mamamahayag ay mabigat na responsibilidad dahil may pinapasan ang bawat salitang binibitawan sa papel. Ang nakaraang paghatol ng libel kay Maria Ressa kasunod ng sandaling libreng pagpapalabas ng A Thousand Cuts (Ramona Diaz, 2020) sa YouTube ay…